Ads Top

BASTA ESTUDYANTE LIBRE: Isang Van driver sa Cagayan hindi naniningil ng pamasahe


TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Isang Van driver sa Cagayan hindi umano naniningil ng pamasahe sa mga esudyante na sinasakay nito.

Ang driver ay kinilalang si Marcial Adriano, residente ng Amulung, Cagayan, na hindi umano naniningil ng pamasahe sa mga estudyante "BASTA ESTUDYANTE LIBRE".

Basahin ang Facebook post ng estudyante na si Rona Pascua Cabaniza

"Studyante po ako ng Don Mariano Marcos National High School Seniorhigh po . Residente ako ng Nassiping Gattaran Cagayan po..

Gusto ko lang po Sanang magpasalamat kay ankel driver po diko kasi alam pangalan niya yung plate number lang po ang alam ko AQA 5326 Maraming salamat po Sa kanya sa konting tulong ny samin na estudyanteng sumasakay sa Pampasahero nya pong van dahil sa tuwing yung sasakyan nya po ang masakyan namin ay hindi nya po tinatanggap ang aming pamasahe lalo na sa aming estudyante tulong nya daw po sa amin na nag aaral kaya gusto ko lang po Ibida ang kabaitan ni Ankel driver


Maraming salamat po 😉 tatlong beses na akong nakasakay sa Van po nya pero di nya po kinukuha pamasahe namin. Nililibre nya po kami Kaya ankel driver salamat po

Paki pasalamat po sana .. Konti nalang po kasi ang mababait na driver po mga nasa 50 po yata ang edad po nya siguro po taga tugue siya." 

Source: Photo Credits: Raine Siazon/Facebook/Bombo Radyo Tugeugarao

No comments:

Powered by Blogger.