Ads Top

Bagyong Odette posibleng mag landfall sa Cagayan-Isabela area sa biyernes


TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Isa nang ganap na bagyo ang low pressure area na binabantayan ng PAGASA sa Silangan Luzon at pinangalanang Odette.

Sa Weather Bulletin ng PAGASA 5:00 AM ngayong araw October 12, 2017, huling namataan ang bagyo sa layong 730 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.


Inaasahang gagalaw ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 26 kilometro kada oras.

Ito ay inaasahang tatama sa kalupaan sa Cagayan-Isabela area sa Biyernes at lalabas naman sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Linggo ng madaling araw.

Samantala, nakataas naman ang tropical storm signal number 1 sa 7-lugar sa Cagayan kasama ang Babuyan group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province at Ifugao.

Source: DOST-PAGASA

No comments:

Powered by Blogger.