Ads Top

Bagyong Odette bahagyang lumakas at mag-lalandfall sa Cagayan mamayang gabi


TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Bagyong Odette bahagyang lumakas at inaasahang mag-landfall sa Cagayan area mamayang gabi.

Sa Weather Bulletin ng PAGASA 1:00 PM ngayong araw October 12, 2017, huling namataan ang bagyo sa layong 405 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.

Ito ay inaasahang tatama sa kalupaan sa Cagayan mamayang gabi at lalabas naman sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa araw ng Sabado.


Makakaranas ng moderate to heavy rain ang lugar na sakop ng 350-KM diameter ng bagyo.

Samantala, nakataas naman ang tropical storm signal number 1 sa lugar ng Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Source: DOST-PAGASA

No comments:

Powered by Blogger.